APPLY NOW!

"If you are in need of funds for tuition fees, medical or if you would like to transfer your existing loan from individual lenders, then GRFC is here to help you with your financial needs."

Tipid Tip #1:

Gawing exciting ang pag-iipon.
Sumali sa 52-week money challenge, 12-month saving challenge, daily fixed saving challenge o anumang "ipon" challenge para ma-inspire ka at maging inspirasyon sa iba.
Pero, beshie, pagnakumpleto mo na yung ipon challenge, huwag mo sanang gastusin kaagad. Itago muna sa bangko. Mag 2-pc chicken meal ka na lang muna para i-celebrate ang tagumpay mo.

Tipid Tip # 2 :

Wag bumili ng 'di kailangan nang basta-basta
Bagamat masarap mamili (lalong-lalo na pag may sale), itanong muna ang sarili kung may naitabi ka ng sapat na pera para sa (1) regular na ipon, (2) pang-araw-araw na gastusin, (3) pangbayad ng tubig and kuryente (pati utang), (4) anumang emergency (katulad ng panggamot at panghospital)
#grfctips #tipidtips #liveresponsibly

Tipid Tip #3:

Gawing exciting ang pag-iipon.
Bago pumunta sa palenge o grocery, maghanda muna ng listahan nang mga kailangan bilhin.
Hassle sa simula, bes, pero mas mainam na gumawa ka rin ng meal plan para sa isa o dalawang linggo. Ito ang gagamitin mong basehan para sa iyong grocery list. 'Wag din kalimutan na magdala ng ecobags. Mas matibay pa ito kaysa plastic bags.
#grfctips #tipidtips #liveresponsibly

TIPID TIP #4:

Load up pa more on veggies
Kesa puro karne/isda ang kinakain, magdagdag ng gulay na ulam. O kaya naman, idagdag ang gulay sa ulam. Sardinas? Gawing ginasang upo na may sardinas! Fried porkchop? I-pair sa chopsuey o adobong kangkong! Nakakabusog at masustansya na, mura pa! 😉
#grfctips #tipidtips #liveresponsibly

Tipid Tip #5 :

Ipunin ang tubig ulan.
Rainy season na, pards. Imbes na gumastos para sa pandilig ng halaman, panlinis ng sasakyan o anuman, ilabas ang pinakamalaking balde at gumawa ng sariling rainwater collection system. Simple at murang gawin. Higit sa lahat, mapapangalagaan mo ang kalikasan.
Para sa listahan ng mga kailangan na gamit at instructions, check out: https://www.bhg.com/gardening/yard/tools/make-a-rain-barrel-save-water/
#grfctips #tipidtips #liveresponsibly

Contact Us

We are open from Mondays – Saturday from 8:00 AM to 5:00 PM. You may also reach us via:

  • (02) 941-2045/ (02) 625-9727

  • giecofinance@gmail.com

  • Barangka, Marikina City 1803

Get In Touch